Monday, January 14, 2008

30 Days

Tatlumpung araw at gabing pagsubok

ang kailangang daanan
upang ipakita
angking talento't kagalingan.

Mga hurado'y naghihintay
kilos ay binabantayan
bawat pagsubok na daanan
panukat ay palakpakan.

Sa araw ng katayan
isa-isang tatawagan
kung dapat mag-stay
o kaya ay go away.

Buti pa sa 30 Days
tiyak ang second chance
Sa pagsuyo ko sa 'yo
pag-asa'y mailap.

Jheric A. Saracho
December 14, 2004

No comments: